GMA Logo ruru madrid
What's on TV

Ruru Madrid, magkukuwento tungkol sa relasyon nila ni Bianca Umali sa 'TBATS'

By Dianne Mariano
Published November 4, 2022 1:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD includes high-density housing as option in 4PH Program
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid


Paano kaya nagsimula at umusbong ang pag-iibigan nina Kapuso real life couple Ruru Madrid at Bianca Umali? Alamin 'yan sa darating na Linggo!

Sasabak ang Kapuso actor na si Ruru Madrid sa isang exclusive interview sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, November 6.

Sa "May Pa-Presscon" segment, magkukuwento ang Running Man Philippines cast member tungkol sa kanyang relasyon sa kapwa Sparkle star na si Bianca Umali.

PHOTO COURTESY: rurumadrid8 and bianxa (IG)

Paano nga ba nagsimula at umusbong ang kanilang pag-iibigan? Ano kaya ang mga sakripisyong ginagawa nila para makayanan ang mga hamon bilang magkasintahan?

Napag-usapan na kaya nila ang pagpapakasal? Alamin 'yan sa darating na Linggo!

Makikisaya rin ang former Lolong star kasama sina TBATS hosts Boobay at Tekla, pati ang Mema Squad sa brutal ngunit nakatutuwang musical segment na “Birit Showdown.”

Bukod dito, gaganap naman sina Boobay at Tekla bilang dalawang babaeng nagsasabi na sila ang ina ng batang lalaki na nawala 25 taon na ang nakalipas.

Isang nakakagulat na rebelasyon ang malalaman sa pamamagitan ng DNA test!

Exciting 'di ba? Tutukan ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, November 6, via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA RURU MADRID AT BIANCA UMALI SA GALLERY NA ITO: