TV

Bianca Umali, magkukuwento tungkol sa kanilang love story ni Ruru Madrid sa 'TBATS'

By Dianne Mariano

Isang nakakakilig at masayang Sunday night ang hatid ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (November 20) dahil sa ating celebrity guests.

Noong November 6, matatandaan na ikinuwento ni Kapuso hunk Ruru Madrid sa “May Pa-Presscon” ang kanilang romantic journey ng kanyang longtime girlfriend na si Bianca Umali.

This Sunday, ikukuwento naman ni Bianca ang iba pang detalye ng kanilang love story ni Ruru.

PHOTO COURTESY: bianxa (IG)

Paano kaya binago ng Lolong star ang buhay ni Bianca? Ano kaya ang opinyon ng aktres tungkol sa pagpapakasal at ano kaya ang dream wedding nito?

Bukod dito, mas makikilala natin ang celebrity chef na si JR Royol dahil sasalang siya sa espesyal na Q&A segment na “Farm to TBATS.”

PHOTO COURTESY: jrroyol (IG)

At sa unang pagkakataon sa “Na-TBATS Ka!," ang mga dating prankster ay sila namang mapa-prank. Sino kaya ang mga ito?

Huwag palampasin ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Mapapanood din ang programa online via livestream sa Facebook page ng TBATS at YouTube channel ng YouLOL.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST MOMENTS NINA RURU MADRID AT BIANCA UMALI SA GALLERY NA ITO.