TV

Buboy Villar, hanga sa pagiging hands-on mom ni Sugar Mercado

By Dianne Mariano

Punong-puno ng tawanan at nonstop kulitan ang napanood sa recent episode ng inyong favorite Sunday night habit, ang The Boobay and Tekla Show. Isa sa guest stars sa March 19 episode ng naturang programa ay ang comedienne-host at mom of two na si Sugar Mercado.

Bago sumabak sa sayawan segment na “Ultimate Dance Challenge," masayang ibinahagi ng dating SexBomb dancer na busy siya sa pag-aalaga sa kanyang dalawang babaeng anak na sina Gabrielle at Olivia.

Binanggit din ni TBATS host Boobay na magaganda at matatalino ang mga anak ni Sugar, na itinataguyod nito bilang isang single mom.

Pagbabahagi ni Sugar, “'Yun ang kinabibisihan [busy] ko. Nag-o-online class sila 'di ba, nagpandemya. So tutok talaga ako sa kanila.”

Napansin naman ni Boobay ang amazement sa mukha ni Mema Squad member Buboy Villar habang nakikinig sa kuwento ng guest star. Ayon kay Buboy, siya'y natutuwa sa pagiging hands-on na ina ni Sugar sa mga anak nito.

Ani Buboy, “Natutuwa ako kasi sabi niya 'di ba single mother siya, natutuwa ako na sobrang hustle niya sa buhay.”

“Nai-inlove yata ako,” dagdag ni Buboy. Dahil dito ay biniro ang Sparkle actor-comedian ng iba niyang kasama sa Mema Squad.

Ipinamalas naman ni Sugar ang kanyang dance moves sa isang countdown ng kanyang limang pinakapaboritong hits. Hindi rin nagpatalo ang Mema Squad, na binubuo nina Pepita Curtis, Buboy Villar, Jennie Gabriel, at Ian Red, sa sayawan kasama si Sugar.

Nakisaya naman si Sparkle actress Max Collins kasama ang TBATS hosts at Mema Squad sa nakatutuwang laro na “Guess the Mystery Word.” Sino kaya kina Team Max o Team Tekla ang nagwagi sa hulaan?

Balikan ang nakaraang episode ng TBATS sa video na ito.

Para sa nonstop tawanan, tutok lamang sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:40 p.m., sa GMA, GTV, at Pinoy Hits - Channel 6 sa GMA Affordabox and GMA Now.

Mapapanood din ang programa sa official Facebook page ng TBATS at YouTube channel ng GMA Network at YouLOL.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST MOMENTS NI SUGAR MERCADO AT NG KANYANG MGA ANAK SA GALLERY NA ITO.