TV

Tekla at David Remo, may nakakaiyak na Father's Day story

By Maine Aquino

Kuwento ng isang ama na gagawin ang lahat para sa kanyang anak ang mapapanood ngayong Father's Day.

Sa dramang hatid ng GMA TeleBahay, gumanap na mag-ama sina Tekla at David Remo. Sa maiksing kuwentong ito ay ipinakita ang pagmamahal ng ama na gagawin niya ang lahat para sa ikakabuti ng kanyang anak.

Ayon sa post ng GMA Drama, "Hindi man natin sila nagagawang pasalamatan araw-araw para sa kanilang mga sakripisyo, lagi nating tatandaan na handang ibigay ng mga ama ang kanilang buhay upang guminhawa lamang tayo. "

"Para sa lahat ng amang may paninindigan, Maligayang Araw ng mga Tatay!"

Panoorin ang kanilang pagganap sa GMA TeleBahay:


Happy Father's Day, mga Kapuso!