TV

Marian Rivera, magbabaga sa Philippine adaptation ng 'Temptation of Wife'

By Marah Ruiz

Magbabalik sa telebisyon ang kapanapanabik na seryeng Temptation of Wife na pinagbidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Hango ito sa hit 2008 series na South Korean series na Temptation of Wife na pinagbidahan ng award-winning actress na si Jang Seo-hee.

Unang umere ang Philippine adaptation noong 2012 at nagtala ng 23.5% viewership noong una nitong episode, ayon sa AGB Nielsen Philippines.


Gumanap si Marian dito bilang Angeline, na tatalikuran ang lahat para sa pag-ibig ngunit magagawa pa ring pagtaksilan.

Makakasama niya dito si Kapuso Drama King Dennis Trillo na gaganap bilang kanyang taksil na asawang si Marcel.

Si Glaiza de Castro naman si Heidi, pinsan at matalik na kaibigan ni Angeline na may itinatago palang matinding inggit sa kanya.

Kabilang din sa serye si Rafael Rosell na gaganap bilang si Nigel, lalaking iibig kay Angeline at tutulong sa kanyang paghihiganti.

Dahil sa pagtataksil nina Marcel at Heidi, aakalain ng lahat na patay na si Angeline.

Pero magbabalik siya sa katauhan ng erederang si Chantal at sisingilin ang mga kasalanan nina Marcel at Heidi sa tulong ni Nigel.

Nakamit ni Marian ang Best Drama Actress award sa 27th PMPC Star Awards for Television noong 2013 dahil sa kanyang pagganap sa serye.

Nasungkit naman ng Temptation of Wife ang Outstanding Adapted Drama Program sa direksiyon ni Dominic Zapata sa 5th ENPRESS Golden Screen Television Awards noong 2014.

Abangan ang Temptation of Wife, malapit na sa GMA!