TV

The Best Ka!: Tallest at smallest, bibida ngayong Linggo!

By EJ Chua

Isa na namang exciting na episode ang hatid ng The Best Ka! ngayong darating na Linggo.

Mga best, samahan natin sina Mikael Daez at Megan Young na kilalanin ang tallest at smallest people at animals sa buong mundo na tiyak na hahangaan natin dahil sa kakaiba nilang mga kuwento.

Siguradong muli tayong mamamangha sa mga natatanging talento at kakayahan na maaaring magsilbing inspirasyon sa mga taong may kaparehas na kalalagayan.

Isang hindi pangkaraniwan at nakaka-in love na beauty queen din ang ating makikilala sa pinakabagong episode ng naturang programa. Sino nga ba siya at ano ang mga kaya niyang gawin?

Sabay-sabay tayong mamangha at maaliw sa The Best Ka! tuwing Linggo, 3:50 p.m. dito lamang sa GMA.