TV

The Best Ka!: Mga hindi pangkaraniwang world records, mapapanood ngayong Linggo!

By EJ Chua

Sa nalalapit na pagpapalabas ng panibagong episode ng The Best Ka, bibida na ang ilang indibidwal na mayroong hindi pangkaraniwang mga talento.

Mayroon ding magpapakitang gilas gamit ang parte ng kanilang katawan at ang ilan ay gagamit naman ng pagkain upang maipakita ang kanilang kakaibang kakayahan.

Kasama ang ating mga best na sina Mikael Daez at Analyn Barro matutunghayan ang mga kahanga-hangang abilidad hindi lang ng adults kundi pati na rin ang mga nakakabilib na talento ng ilang kabataan.

Bibida rin ang Pinoy Ninjas na record holders na magpapakitang gilas sa panibagong exciting na episode ng programa.

Huwag palampasin ang kanilang mga kuwento sa episode ng The Best Ka! na mapapanood ngayong Linggo (May 29), 3:50 p.m. dito lamang sa GMA.

Samantala, alamin sa gallery na ito ang mga dahilan kung bakit dapat n'yong tutukan ang 'The Best Ka!' tuwing Linggo.