TV

WATCH: Full version of Juliet's sexy dance in 'The Better Woman'

Not seen on TV ang full version ng pole dance scene ni Kapuso actress Andrea Torres para sa GMA Telebabad series na The Better Woman.

Ngayon, mapapanood na ang kabuuan ng eksena mula sa director's cut ng episode.

Ito ang unang pagkakataong makita ni Andrew (Derek Ramsay) ang exotic dancer na si Juliet (Andrea Torres). Hindi niya alam na ito pala ang nawawalang kakambal ng kanyang asawang si Jasmine (Andrea Torres).


Bukod dito, available na rin bilang isang online exclusive video ang director's cut ng pang-aakit ni Juliet kay Andrew sa private room ng bar.


Patuloy na mag-log on sa GMANetwork.com at sa official YouTube channel ng GMA Network para sa iba pang online exclusive videos mula sa director's cut ng The Better Woman.

Huwag ding palampasin ang mga episodes nito sa telebisyon, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Sahaya sa GMA Telebabad.