TV

Chesi, dinispatsa ni Juliet | Ep. 58

By Marah Ruiz

Sa September 18 episode ng The Better Woman, lalasunin ni Juliet (Andrea Torres) ang kaibigang si Chesi (Ashley Rivera) para mapanatili itong tahimik.

May hinala naman si Andrew (Derek Ramsay) na si Juliet ang pumatay sa kanyang kapatid na si Angela (Ina Feleo).

Ikagagalit naman ni Erlinda (Jaclyn Jose) ang akusasyon sa paniniwalang nasa Amerika na ang anak.

Panoorin ang highlights ng September 18 episode ng The Better Woman:

Patuloy na panoorin ang The Better Woman, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng The Gift sa GMA Telebabad.