TV

WATCH: Derek Ramsay at Andrea Torres, may mensahe para sa mga manonood ng 'The Better Woman'

By Marah Ruiz

Ngayong gabi, September 27, ang mainit na pagtatapos ng hottest primetime teleserye sa bansa na The Better Woman.

Andrea Torres at Derek Ramsay

Kaya naman may mensahe ang lead stars nitong sina Derek Ramsay at Andrea Torres para sa mga masugid na sumubaybay sa kanilang serye.

Lubos na pinapahalagahan ni Andrea ang feedback na natatanggap nila.

"Kapag lumabalas kami, ang tawag niyo samin Jasmine, Juliet, Andrew--'yung mga character namin. Thank you at in-accept niyo itong first project ni Derek and unang tambalan namin," pahayag ni Andrea.

Samantala, masaya naman si Derek na namayagpag ang kanilang ratings sa pagtatapos ng show.

"We're really really happy that we're finishing off strong. That's because of all of you, so maraming mraming salamat, mga Kapuso," ani Derek.

Panoorin ang kabuuan ng kanilang mga mensahe sa online exclusive video na ito.



Tumutok din sa pinaka mainit na pagtatapos ng The Better Woman ngayong gabi, pagktapos ng The Gift sa GMA Telebabad.


LOOK: Derek Ramsay at Andrea Torres, magkasama sa Dubai

WATCH: Ang mainit na pagtatapos ng 'The Better Woman' | Finale teaser