TV

Daphne Jung, ang numero unong katuwang sa 'The Big One'

Walang kuryente, tubig o signal ng telepono at sira pa ang mga daan papunta at palabas ng siyudad. 

Ito ang magiging kalagayan ng Seoul matapos ang The Big One!

Dahil isolated na ang siyudad at walang makapasok na tulong matapos ang malakas na lindol, kailangang magtulungang ng lahat ng nakaligtas.

Isang orthopedic surgeon si Daphne Jung mula sa Busan. Dumayo siya sa Seoul para maghatid ng isang pasiyente. 

Dahil sa 'di inaasahang aksidente, makakasama niya ang mga doktor ng tanyag na Mirae Medical Center. 

Bahagya siyang baguhan bilang doktor, at madalas mag-alinlangan lalo na kapag wala sa kanyang ispesyalisasyon ang kailangang gawin. 

Mapipilitan din siyang manatili sa Seoul dahil sa lindol. Habang narito, makikila niya si Dr. Harvey Lee, isa sa mga doktor na mangunguna sa pagtulong sa mga napinsala ng lindol. 

Si Daphne ang magiging numero unong katuwang ni Harvey sa pagsagip ng mga buhay. Mahuhulog ang loob niya rito dahil sa ipinapakita nitong malasakit sa kapwa. 

Pero may puwang ba para umusbong ang tunay na pag-ibig sa gitna ng isang sakuna? Maipakita kaya ni Daphne ang tunay niyang kakayanan bilang isang manggagamot?

Ang aktres na si Jung So-Min ang gaganap bilang Daphne. Pamilyar na siya sa mga Pilipino dahil sa pagbida niya sa hit romcom series na Playful Kiss kasama si actor and singer Kim Hyun-joong. 

Huwag palampasin ang kanyang pagganap bilang Dr. Daphne Jung sa The Big One, simula January 23, pagkatapos ng Mako Mermaids sa GMA Heart of Asia. 

 

 

RELATED STORIES:

 

Yayanigin ng 'The Big One' ang inyong mga umaga

The Big One: Walang pinipiling oras ang trahedya