TV

Matuturuan ba ang puso ni Sophia?


Malaki ang utang na loob ni Sophia kay Earl. Kaya naman naging sunod-sunuran siya rito. Pero hindi naging masaya ang kanilang pagsasama. Masyadong possessive and controlling si Earl.

Nakatagpo siya ng tunay na kaligayahan nang makilala niya si Rico. Madali niyang nakapalagayan ng loob si Rico. Kabaligtaran nito ang kay Earl. Makailang ulit niyang sinubukan itong mahalin, ngunit wala pa rin.

Inasikaso kaagad ni Earl ang pagpapakasal kay Sophia. Hindi na kayang tumanggi ni Sophia kay Earl dahil hindi rin ito makakapayag na hindi matuloy ang kanilang kasal.

Handang ipaglaban ni Rico ang kanyang nararamdaman para kay Sophia kahit umiwas ito. Malakas ang kanyang kutob na pareho sila nang nararamdaman. Nakumpirma niya ito nang magkasama silang nagbakasyon sa isang resort.

Pilit na itinataboy ni Sophia si Rico dahil ikakasal na siya kay Earl. Hindi niya magawang iwan si Earl pagkatapos ng paghihirap nito. Si Earl ang nagligtas sa kanya, naging sandalan niya nang wala siyang maalala sa kanyang pagkatao.

Nang magpunta si Sophia sa opisina ni Earl, natagpuan niyang sweet sina Rico at Tessa sa isa’t isa. Bigla siyang nakaramdam ng selos. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kanyang naramdaman.

Nakita ni Rico ang naging reaksyon ni Sophia kaya hinanap niya ito para paliwanagan. Hindi nakinig si Sophia kay Rico, bagkus nakiusap na tigilan na nila ang kanilang ugnayan sa isa’t isa. Pagtuunan na lang ni Rico ng pansin si Tessa at siya para kay Earl. Makakapayag kaya si Rico sa gusto ni Sophia?

Maitatago pa kaya ni Sophia ang kanyang pagtingin kay Rico? Matutuloy pa kaya ang kasal nila ni Earl? Maalala pa kaya ni Sophia ang kanyang nakaraan?

Alamin ang kasagutan sa The Borrowed Wife pagkatapos ng Innamorata tuwing hapon sa GMA. Para sa updates sa paborito niyong stars and shows, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com.

-- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com