TV

Sophia, kayang talikuran si Rico?


Kakaiba ang naramdaman ni Sophia nang una silang magkita ni Rico. Pinigilan niya ito dahil sa kanyang utang na loob kay Earl. Si Earl ang sumagip sa kanyang buhay. Siya rin ang kumupkop sa kanya nang wala siyang maalala sa kanyang pagkatao.

Pero hanggang saan ang kayang isakripisyo ni Sophia para sa utang na loob kay Earl?

Ilang beses siyang kinumbinsi ni Rico na magpakatotoo. Pilit kinakalimutan ni Sophia ang nararamdaman niya para kay Rico. Ayaw niya rin ng gulo pag malaman ni Tessa, ang girlfriend ni Rico, ang namagitan sa kanilang dalawa.

Nadurog ang puso ni Sophia nang makitang sweet sina Rico at Tessa sa opisina. Nakaramdam siya ng selos. Gulong gulo na siya, kaya niya ba talagang iwan si Rico?

Napansin ni Rico ang reaksyon ni Sophia. Nakumpirma niyang mahal siya nito. Ngunit nakakulong si Sophia sa pag-ibig ni Earl. Makakawala kaya siya kay Earl?

Sa huling pagkakataon, itinanong ni Rico si Sophia kung mahal siya nito. Magpapakalayo siya oras na malaman na walang pagtingin sa kanya si Sophia. Pinigilan siya ni Sophia umalis. Inamin ni Sophia na mahal niya si Rico. Ngunit hindi niya rin kayang iwan si Earl.

Sino ang pipiliin ni Sophia sa huli? Si Earl ba o si Rico? Ano ang mananaig sa puso ni Sophia, ang utang na loob o ang tunay na pag-ibig?

Alamin kung ano ang isinisigaw ng puso ni Sophia sa The Borrowed Wife pagkatapos ng Innamorata sa GMA Afternoon Prime. Para sa updates, mag-log on lagi sa www.gmanetwork.com

-- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.