TV

Fall in love with the cast of 'The Borrowed Wife' on March 27 via GMANetwork.com Live Chat!


Kasing init ng summer ang bawat eksena sa The Borrowed Wife. Ngayong Huwebes, March 27, 2014, magkakaroon ka na ng chance na makausap ang lead stars nito na sina Camille Prats (Sophia), Rafael Rosell (Rico) at Pauleen Luna (Tessa). Ihanda na ang inyong mga tanong at personal nila kayong sasagutin online. 

Inamin na rin ni Sophia ang kanyang nararamdaman para kay Rico. Naging malaya na rin siya ngunit isang aksidente ang magpapabago ng kanyang buhay. Kailangan niya balikan si Earl para alagaan ito. Siya naman ang mag-aalaga dito katulad ng pag-aalaga nito sa kanya noong wala pa siyang maalala sa kanyang pagkatao. Kaya dali-dali niyang iniwan si Rico para kay Earl.

Nadurog ang puso ni Rico nang iwan siya ni Sophia. Akala niya maayos at malinaw na ang lahat sa pagitan nila. May nangyari na sa kanila at mahal na rin siya ni Sophia. Ngunit bakit siya nagawang iwan nito para kay Earl?

Si Tessa naman ay pilit pa ring kinukuha ang loob ni Rico. Pinalitan ni Tessa si Maricar sa buhay nito. Naging sila ni Rico at naging masaya rin ang kanilang pagsasama ngunit naglaho ang lahat sa pagdating ni Sophia. Akala niya nagkamali lang siya na may namamagitan kina Rico at Sophia. Ngunit narinig niya ang dalawa, hindi pala masamang kutob ito kundi matagal nang katotohanan. Ito pala ang dahilan sa unti-unting paglayo ng loob ni Rico.

Paano ba matatagpuan ang tunay na pag-ibig? Paano malalaman ang sinisigaw ng puso? Ano ang mas nangingibabaw? Ang pagmamahal o ang pagtanaw ng utang na loob sa nagmamahal sa iyo? Ano ang magiging kapalaran nina Sophia, Rico, Earl at Tessa? Makakamtan ba nila ang tunay na kaligayahan sa totoong pag-ibig?

Sabay-sabay nating alamin ang kasagutan sa live chat ng The Borrowed Wife this March 27 online! Mag-log on lang sa GMANetwork.com/livechat mula 7:30 p.m. hanggang 9:00 p.m. para makasama sa exclusive event na ito. -- Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com.