TV

Si Earl at ang pangalawang Maricar


Kasal na kami ni Sophia. Akin na siyang talaga.

Pero hindi ako kampante dahil paulit-ulit pa rin silang nagkikita ni Rico kahit binabakuran ko ang aking asawa. Hindi maaari ito.

Alam ko na rin ang tunay na pagkatao ni Sophia. Siya pala si Maricar Santos, ang nawawalang asawa ni Rico.

I don’t want to give Sophia back to Rico. I won’t let that happen.

Naisipan kong tawagan ang aking kaibigan. Naalala kong may pasyente siya noon. Isa akong reconstructive surgeon at kaya kong gawan ng paraan ang pasyente niya. Siya ang gagamitin ko para manatili sa akin si Sophia.

The surgery was a success. There’s nothing impossible with Science. It can do everything you want. I can create through Science. Ito na ang huli kong gagawin na surgery. I’m amazed that it turned out so well -- more than what I expected.

Narinig ko ang pag-uusap nina Rico at Tessa sa office. It’s Rico’s birthday and we’re not invited. Nagtampo si Tessa sa di namin pag-imbita sa kanila ni Rico sa kasal namin ni Sophia. She really doesn’t know me that well.

I have a surprise she won’t forget.

We sent our birthday wishes to Rico. We attended his birthday party kahit ayaw ni Tessa.

To everyone’s surprise, Maricar came back to her family. Rico can’t believe what he is seeing.

Ngayong bumalik na si Maricar sa buhay ni Rico. Wala nang makakakuha sa akin kay Sophia. Akin na siya nang buong-buo. Titigilan na siya ni Rico.

At alam kong mamahalin din ako ni Sophia. Akin lang siya.

Akin.
 


Sino ang pangalawang Maricar? Ano ang kinalaman ni Earl sa kanyang pagdating?

Tuluyan na bang makakalimutan ni Rico si Sophia?

Magbabalik pa ba ang alaala ni Sophia? Malalaman pa kaya niya na siya ang tunay na Maricar?

-- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com