TV

Magpapatawad ba sina Camille, Sherilyn at Pauleen kapag niloko sila ng mahal nila?


Sa cast ng pinakabagong Afternoon Prime soap na The Borrowed Wife, kapansin-pansin na blooming ang tatlong Kapuso actress na sina Camille Prats, Pauleen Luna at Sherilyn Reyes-Tan.

Hindi maikakaila ng tatlo na masaya sila ngayon sa kani-kanilang love life. Last year lang isinapubliko ni Camille ang kanyang relasyon sa non-showbiz boyfriend na si JJ Yambao. Noong nakaraang taon lang din kinumpirma nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Samantala, si Sherilyn naman ay masayang-masaya sa piling ng asawang si Chris Tan, isang Philippine Basketball Association (PBA) player.

Dahil nga naging open sila sa kani-kanilang relationships, hindi na nakaiwas ang tatlo sa mga tanong tungkol dito sa ginanap na press conference ng The Borrowed Wife.

Isang tanong ng press ang tila na-challenge ang tatlo na sagutin: Mapapatawad mo ba ang mahal mo kapag nahuli mo siyang nangangaliwa?

Unang ibinato ang tanong kay Sherilyn. Ayon sa kanya, alam niya namang hindi magagawa ng asawa niya na lokohin siya. Pero kung sakali raw na mangyari ay patatawarin niya ito.

“Huwag naman sanang mabasa kung maisulat niyo man na patatawarin ko siya. Pero sa tingin ko po ganoon ko siya kamahal (kaya) patatawarin ko siya,” dagdag ni Sherilyn.

Isinunod naman ng press si Camille. Noong panahon daw na wala pa siyang anak ay may nakahanda na siyang sagot kapag nangyari man ito. “Ako po noong wala pa po akong anak, ang statement ko dyan kapag nahuli kong nanloko ay automatic evicted po 'yon. Wala nang usap-usap, evicted agad,” aniya.

Pero nang magkaanak na si Camille, nag-iba na raw ang kanyang pananaw. “Noong dumating na si Nathan sa buhay ko at napag-isip-isip ko na paano kung mambabae kaya ‘tong asawa ko, tatanggapin ko pa kaya ulit? Noong panahon na 'yon ang desisyon ko tatanggapin ko ulit. Kasi hindi ko na po iisipin ‘yung sarili ko lang, kailangang isipin ko rin ‘yung anak ko,” dagdag niya.

Huling itinanong ng press si Pauleen. Mapapatawad niya ba si Bossing kapag nahuli niyang niloko siya? “Ah mahirap po siguro 'yon. I'll cross the bridge when I get there. But most likely it would end there, most likely no. And there would be no bridge anymore, (laughs)” sagot ng aktres.

Patuloy na subaybayan sina Camille Prats, Pauleen Luna at Sherilyn Reyes sa The Borrowed Wife, weekdays after Magkano Ba Ang Pag-ibig? on GMA Afternoon Prime. – Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com