
Patuloy ang pamamayagpag ng showbiz career ni Rayver Cruz dahil magbabalik siyang muli bilang main host ng The Clash, kasama ang kanyang on and off screen partner na si Julie Anne San Jose.
Habang abala sa top-rating GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko, naghahanda na rin si Rayver sa GMA musical competition para sa ikaanim na season nito na mapapanood na ngayong Setyembre.
Ayon sa actor/host, excited siya lagi tumungtong sa The Clash stage kaya naman looking forward na rin siyang masaksihan ng mga manonood ang bago nitong entablado.
"First of all, 'pag The Clash kasi laging may bago. And napapansin ko sa The Clash is paganda nang paganda yung entablado na pinagpe-perform-an ng Clashers natin and 'yun 'yung na-e-excite akong gawin, 'yung every time na pupunta ako sa studio," kuwento niya sa ekskusibong panayam ng GMANetwork.com sa plug shoot at pictorial ng The Clash 2024 noong August 15.
"Sisilipin ko agad 'yung studio kung ano ang bago sa stage. And this year, grabe 'yung stage, as in. Kahit 'yung Clashers, gaganahan na kagaad mag-perform."
Malapit na rin ipakilala ang set ng contestants na pumasa sa final screening ng The Clash 2024 na maglalaban-laban sa Clash arena
Patuloy ni Rayver, "And nag-research na rin ako sa mga contestant na lalaban, iba na naman 'yung talentong ibibigay nila. Lagi kong sinasabi, lahat ng sumasali magaling kumanta but, this time, bukod sa magagaling sila, may kanya-kanya silang character agad.
"Para sa akin, 'yun kasi 'yung magiging champion na naman e, 'yung complete package and 'yung may character na kakapit talaga sa mga viewers natin."
Bukod kina Rayver at Julie, magbabalik din ang original Clash panel na sina Aiai Delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha para sa The Clash 2024.
Ilan sa mga produkto ng singing competition sina Golden Canedo, Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, Mariane Osabel, at John Rex.
BAGO PA MAGSIMULA ANG BAGONG SEASON NG THE CLASH, KILALANIN ANG REIGNING CHAMP NITONG SI JOHN REX: