GMA Logo aiai delas alas lani misalucha christian bautista
What's on TV

Aiai Delas Alas at Lani Misalucha, nagbalikbayan para sa 'The Clash 2024'

By Jansen Ramos
Published August 16, 2024 6:58 PM PHT
Updated August 16, 2024 9:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

President Marcos inspects San Juanico Bridge (Dec. 12, 2025) | GMA Integrated News
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas lani misalucha christian bautista


Ayon kina Aiai Delas Alas at Lani Misalucha, worth it ang kanilang pag-uwi ng Pilipinas mula Amerika para gawin ang bagong season ng 'The Clash.'

Talagang pinipili nina Aiai Deas Alas at Lani MIsalucha ang kanilang gagawing proyekto dito sa Pilipinas bago sila umuwi sa bansa mula Amerika, kung saan sila nakabase, para gawin ito.

Isa na nga riyan ang The Clash na tila naging tradisyon na raw nilang gawin taon-taon. Magbabalik ang dalawang batikang performer bilang judge sa GMA musical competition para sa ikaanim na season nito, kasama si Christian Bautista na magbabalik din bilang parte ng panel.

Ayon kay Aiai, worth it ang kanyang pag-uwi para rito dahil sa kanyang pagmamahal sa pagpe-perform.

"Kahit nasa Amerika ako, talagang super love ko talaga ang pagiging artista. I'm happy for season six," ani ng Comedy Concert Queen sa panayam ni Aubrey Carampel sa 'Chika Minute' report ng entertainment correspondent sa 24 Oras noong Huwebes, August 15.

Nagkita-kita sina Aiai, Lani, at Christian noong Huwebes, August 15, sa GMA studios kung saan ginanap ang kanilang plug shoot at pictorial para sa bagong season ng The Clash.

Ayon kay Lani, bumabalik na naman ang kanilang excitement sa tuwing magsisimula ang The Clash kaya looking forward sila sa pagpapalabas nito simula ngayong Setyembre.

Ano naman kaya ang hinahanap nilang quality sa magiging bagong The Clash grand champion?

Sagot ng Asia's Nightingale, "'Yung pagtayo, pag-perform, and siyempre 'yung quality ng boses so sana magsama-sama 'yun sa iisang hinahanap namin."

Magbabalik din sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz bilang hosts ng The Clash o mas kilala sa tawag na "Clash Masters."

Ang bagong season ng programa ay may opisyal na pamagat na The Clash 2024.

Ilan sa mga produkto ng singing competition sina Golden Canedo, Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, Mariane Osabel, at John Rex.

BAGO PA MAGSIMULA ANG BAGONG SEASON NG THE CLASH, KILALANIN ANG REIGNING CHAMP NITONG SI JOHN REX.