Nakisaya ang 'The Clash' Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kasama ang 'The Clash' Season 1 graduates na sina Golden Cañedo at Jong Madaliday sa Urdaneta City Fiesta 2019 sa Pangasinan noong Miyerkules, December 4.
Nagsama-sama sina (mula kaliwa) Jong Madaliday, Rayver Cruz, Golden Cañedo, Julie Anne San Jose, at maging ang 'Pepito Manaloto' star na si John Feir para magbigay-saya sa ating mga Kapuso sa Urdaneta City.
Hindi mawawala sa regional tour ang paghahandog ng awitin.
Kinilig ang buong Urdaneta City Cultural & Sports Center matapos mag-duet sina Julie at Rayver.
Related: WATCH: Fall in love with Julie Anne San Jose, Rayver Cruz's duet to "Best Part"
Sino ba namang hindi ma-i-inlove sa boses ni Julie?
Bukod sa pagsasayaw, isa rin sa mga talento ni Rayver ang pagkanta.
Cute na cute naman si Golden sa kanyang green dress!
Damang-dama ang emosyon sa performance ni Jong.
Sa Instagram, nagpasalamat si John sa mga taga-Urdaneta City sa mainit na pagtanggap na kanilang ibinigay sa kanya at sa kanyang mga kasama.