TV

WATCH: Regine Velasquez, ibinahagi ang mga katangian ng isang singer na hinahanap sa 'The Clash'

By Bea Rodriguez

Last chance na para sa lahat ng mga gustong mag-audition sa newest singing competition na pinangungunahan ni Asia’s Songbird Regine Velasquez. Pagkatapos no'n, the search is over at magsisimula na ang The Clash.

RELATED: 'The Clash' singing competition ni Regine Velasquez-Alcasid, nagbigay ng last chance sa mga gustong mag-audition

Marami nang mga Pinoy ang nakitaan ng talento at potensyal mula nang magsimula ang auditions noong Pebrero. Malapit na rin silang mapanood.

“We are very excited. We’re very happy. Medyo nilibot natin ang Pilipinas para makahanap talaga tayo ng pinakamagaling,” saad ni Ate Reg sa Unang Hirit.

Mukhang mahihirapan ang Asia’s Songbird sa pagpipili ng pinakabagong biritera ng GMA Network dahil sa dami ng mga aspiring artists na nag-audition.

Ngunit may checklist si Regine upang mahanap ang susunod na artist na kanyang ite-train para maging the next superstar ng Kapuso network.

“Malinis kumanta na parang ni-record. Iyon [dapat] ang kakaiba sa iyo doon. Iyon bang totoo mag-perform, from the heart tapos hindi masyadong nagpapakitang gilas. Normally, ‘yung mga iyon, hindi masyadong nagpapakitang gilas. [They are] very confident sa sarili nila at doon sa kakayanan nila eh. Nai-impress ako sa ganun,” kwento niya kay Lhar Santiago sa report.

Ilan sa mga stars ng henerasyon ngayon na inalagaan ni Ate Reg ay sina Popstar Royalty Sarah Geronimo at ang mga Miss Saigon stars na sina Rachelle Ann Go at Aicelle Santos.