TV

WATCH: Regine Velasquez-Alcasid, may manok ba sa 'The Clash' finals?

By Marah Ruiz

Kanya kanya nang paghahanda ang Top 6 Clashers para sa finals ng Kapuso singing competition na The Clash.

Si Josh Adornado, umaasang magiging maayos ang kanyang boses pagdating ng finals night.

"Total vocal rest and I'm sure God will guide me until Sunday. Siya na ang maghi-heal sa akin," pahayag niya.

Sinusubukan naman ni Golden Cañedo na mag-relax para makapag-perform nang maayos.

"Iniisip ko na lang po na kakanta ako na walang battle," aniya.

Sino kaya ang standout performer para sa host ng kompetisyon na si Regine Velasquez-Alcasid?

"Sa akin, kung sino na lang 'yung who will perform well that day. Because as far as who's magaling, all of them are. And the thing is, they got even better," pahayag niya.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras: