TV

Listahan ng qualified auditionees para sa 'The Clash' Season 2 final callback, inilabas na!

By Jansen Ramos

Inilabas na ang official list ng qualified auditionees para sa final callback screening ng The Clash para sa ikalawang season nito.

Inanunsyo ang mga pangalan ng mga nakapasok sa official Facebook page ng The Clash noong July 18.

Kabilang dito ang mga nag-audition sa NCR, Batangas, at maging sa Brookyln, New York.

34 ang nakapasa sa initial screening na ginanap sa Skydome, SM North EDSA at GMA Studios, at 6 naman ang nakapasok sa Batangas auditions na ginanap sa Xentro Mall.

Ang Quezon City at Batangas auditionees ay maiging sinala nina UP College of Music Professor and The Clash voice coach, Janet "Jai" Sabas-Aracama, Director Bert De Leon at South Border frontman Jay Durias.

Samantala, dalawa naman ang pinalad na makapasok sa initial screening ng The Clash na isinagawa sa D' Haven Restaurant & Events Place sa Woodside, New York na pinangunahan ni Christian Bautista.

Para naman sa mga mag-audition sa Cebu, Iligan, General Santos, Davao, at Bacolod, manatili lamang na bumisita sa GMANetwork.com at sa official Facebook page The Clash para sa announcement ng qualified regional auditionees para sa final callback.

'Duet With Me' contestants ng 'Studio 7,' maaring makapasok sa 'The Clash' Season 2

POLL: Sino ang gusto n'yong maging host ng 'The Clash' season 2?