TV

CONFIRMED: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz are the new 'The Clash' Masters

By Jansen Ramos

Kumpirmadong sina Julie Anne San Jose at Ravyer Cruz na ang bagong hosts ng all-original Filipino singing competition na The Clash matapos itong ianunsyo ngayong Biyernes, August 30, sa 24 Oras.

'The Clash,' kasado na ang pagbabalik sa telebisyon

Bago pa man ang hosts reveal ay eksklusibo namin silang nakapanayam noong ni-record nila ang theme song ng programa para sa second season nito kamakailan.

Ani Julie, naging stepping stone daw nila ni Rayver ang Studio 7 para maging ganap na "Clash Masters."

"I'm just really grateful and thankful, of course, sa GMA na nabigyan ako ng ganitong klaseng opportunity, and I'm also happy because I get to work with Ravyer again in one show."

Dagdag pa ng Asia's Pop Diva, "Sa Studio 7, madalas kaming magkaroon ng mga production number, madalas din kaming pinagho-host together, so I think maganda siyang training, maganda siyang practice, parang getting ready for The Clash."

Sa pahayag naman ni Rayver, inamin niyang nag-audition siya para maging host ng The Clash kaya labis ang kanyang tuwa matapos niyang malaman na siya ang napili.

Ika niya, "Siyempre, bukod sa sobrang happy, nagulat din at sinuwerte lang din kasi nagpa-audition sila, so kasali ako do'n sa mga nag-try."

Sabi pa ng 30-year-old actor/dancer, "very fortunate" ang kanyang pakiramdam dahil sunud-sunod ang kanyang proyekto dito sa GMA.

Bukod kasi sa Studio 7 ay napapanood din siya araw-araw sa drama-horror series na Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko, at puspusan na ring naghahanda para sa pagbabalik ng The Clash.

Bahagi niya, "Magkakaiba 'yung shows ko, may takutan, may Studio 7 kung saan nagpe-perform ako, and 'eto naman.

"Sobrang na-e-excite lang ako and natutuwa kasi never kong in-expect na magiging host ako kahit no'ng nag-transfer ako.

"Gusto ko gawin pa rin 'yung mga ginagawa ko, so it's really something new for me."

Abangan sina Julie at Rayver bilang ang bagong Clash Masters, soon on GMA!

POLL: Sino ang gusto n'yong maging host ng 'The Clash' season 2?