TV

Julie Anne San Jose, dream come true ang pagho-host ng 'The Clash'

By Jansen Ramos

Dream come true para kay Julie Anne San Jose ang pagiging host ng The Clash.

CONFIRMED: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz are the new 'The Clash' Masters

Isang momentous experience para sa Asia's Pop Diva na mabigyan ng ganitong oporturnidad dahil siya mismo ay produkto ng isang singing competition.

Aniya, "Nakakatuwa lang din na isa 'to sa mga dream ko na makapag-host ng isang singing competition, dahil galing din ako ng singing contest.

"It's always nice to go back your roots and it brings so many memories na, wow, kami dati 'yung nasa competition, ngayon kami na 'yung nagho-host."

Excited na si Julie na marinig ang kuwento ng bawat The Clash Passer na tulad niyang nangarap ding makilala sa larangan ng pagkanta.

Saad niya, "We're very excited and looking forward to see the new Clashers na talagang magtatagisan ng galing."

Paglilinaw pa niya, "Since it's a competition, it's really important na maging fair lang din tayo sa contestants."

Bilang Clash Master, ibinahagi ni Julie ang mga katangian na dapat taglay ng isang contestant para tanghaling The Clash Grand Champion.

Ika niya, "Sa competition, madami silang pagdaraanan, so along the way, do'n namin makikita kung sino talaga ang karapat-dapat na manalo.

"Siyempre 'yung qualities na hinahanap namin is 'yung passionate sa craft and performing.

"May work ethics, 'yung pagiging professional."

Dagdag pa ng 25-year-old actress/singer, "We're also looking for the star factor, and dapat relatable siya sa audience."

Makakatambal ni Julie bilang Clash Master ang kanyang Studio 7 co-star na si Rayver Cruz.

Samantala, sina Ken Chan at Rita Daniela naman ang tatayong journey hosts ng The Clash.

'The Clash,' kasado na ang pagbabalik sa telebisyon