TV

WATCH: Chan Daniel at Myrus Apacible, unang maglalaban sa Round 2 ng 'The Clash'

By Jansen Ramos

Ngayong kumpleto na ang 32 na maglalaban-laban, may kakaibang twist na magaganap sa ikalawang round ng The Clash.

Ipinaliwanag ni Clash Master Julie Anne San Jose kung ano ang sinisimbolo ng black and white seats na kinauupuan ng Round 1 winners.

Bahagi niya, "Round 2 will be black versus white. Ibig sabihin, ang maaari lang hamunin ng Clasher na nakaupo sa white seat ay ang nagmamay-ari ng itim na upuan. Gano'n din naman sa mga nakaupo sa black chairs, ang nasa white chairs lamang ang maaaring nitong kalabanin."

Ibig sabihin lamang nito ay kailangang pagbutihin ng Clashers ang pagpili sa kung sino ang gusto nilang kalabanin para makaaabot sa next round. Sa madaling salita, dapat nilang piliin ang sa tingin nila ay maaari silang lumamang.

Buena manong napili ng electronic randomizer ang 17-year-old Davaoeño na si Chan Daniel na sasabak sa Round 2 na pinamagatang "Laban Kung Laban."

Dahil nakaupo siya sa black seat, ang nakaupo lamang sa white seat ang dapat niyang piliing kalabanin, at ito ay ang 30-year-old na si Myrus Apacible na tubong Cavite.

Mapapanood ang bakbakan nina Chan at Myrus sa kantahan sa The Clash ngayong Sabado, October 18, pagkatapos ng Pepito Manaloto.

'The Clash,' itinanghal na Best Talent Search Program ng 2019 PMPC Star Awards for TV