
Sa November 17 episode ng The Clash, hindi nagtagumpay si Tombi Romulo sa pagkanta ng 2015 hit na "Akin Ka Na Lang" kaya nalagay siya sa bottom two kasama si Antonette Tismo.
Sa pagsabak niya sa Matira Ang Matibay round, bumawi si Tombi at napaluha pa ang The Clash judge na si Aiai Delas Alas sa kanyang performance ng Aegis song na "Hesus."
Nakita man ng The Clash panel ang improvement ng 30-year-old Caviteño singer sa kanyang second performance, kinailangan pa rin ng judges na mamili sa kanilang dalawa ni Antonette kung sino ang magpapatuloy ng kanilang laban.
Si Antonette ang bumalik sa red chair matapos siyang piliin nina Lani Misalucha at Christian Bautista. Samantalang, si Tombi naman ang pinili ni Aiai dahil nakita niya ang determinasyon nito kahit may iniindang sakit noong panahong iyon.
Aiai Delas Alas, muling magma-manage ng talents?
"Gusto ko sila parehong i-congratulate dahil napakagaling nila at mahusay sila tonight. Pero ang boto ko ay ibibigay ko kay Tombi dahil lumaban siya nang bonggang-bongga," sabi ng Comedy Concert Queen.
Nagpasalamat naman si Tombi sa lahat ng sumuporta sa kanyang The Clash journey matapos mamaalam sa singing competition.
"Salamat po sa lahat ng sumusuporta po sa 'kin lalo na po 'yung family ko. Saka po sa Tombi Nation, sa lahat po ng tumulong sa 'kin," mensahe ni Tombi.
Clasher Tombi Romulo, motivation ang inang may malubhang sakit