TV

'The Clash,' panalo sa TV ratings

By Jansen Ramos

Panalo sa nationwide urban TV ratings ang GMA singing competition na The Clash noong Linggo, November 24, ayon sa pinagkakatiwalaang AGB Nielsen.

Base sa NUTAM People Ratings ng market research firm, nakakuha ng 10.6% rating ang The Clash, samantalang 9.7% naman ang nakuhang rating ng katapat nitong programa.

Noong Linggo, napanood ang performances nina Janina Gonzales, Antonette Tismo, Thea Astley, Sassa Dagdag, at Nef Medina.

Sa naturang episode, na-eliminate ang binansagang Sassy Girl ng Pampanga na si Sassa.

Sassa Dagdag appeals to netizens to stop bashing Janina Gonzales

Patuloy na subaybayan ang mas pinatindi pang bakbakan sa kantahan sa The Clash, tuwing Sabado, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, at tuwing Linggo, pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.