TV

WATCH: 'The Clash' vocal coach Jai Sabas-Aracama, pinagbawalang mag-whistle si Jeniffer Maravilla

By Jansen Ramos

Sa latest episode ng 'Jai Reacts,' nagbigay ng opinyon ang The Clash vocal coach na si Jai Sabas-Aracama sa trending performance ni Jeniffer Maravilla sa singing competition noong November 23.

Na-impress si Coach Jai sa pagbirit ni Jeniffer sa kanyang version ng kantang "Hayaan Mo Sila," na ginawan ng bagong arrangement ng musical director na si Marc Lopez. Subalit na-disappoint ang UP Concert Chorus directress matapos pumiyok ang Clasher sa kanyang whistle.

Pahagay ni Coach Jai, "Noong rehearsal, sabi namin ni Sir Marc Lopez, ang music director nitong The Clash 2, nag-agree kami na you don't need to whistle. Hindi kailangan. Your voice and arrangement is super enough to bring you in. And siguro dahil sa kaba at 'yung kanilang experience sa buhay na akala nila ang pag-whistle ang makakadala sa kanila beyond this stage."

Gayunpaman, pinuri pa rin ni Coach Jai si Jeniffer dahil nakuha nitong makabawi pagkatapos ng kanyang failed whistle attempt. Naniniwala rin siya sa kakayahan ng binansagang 'Birit Beauty ng Malabon' kaya dapat mag-ingat ang Clashers dito.

Sabi ng The Clash vocal coach, "Let me commend her also even if she did that kasi inexperience. Hindi madaling bumawi sa gitna ng pagkapiyok niya. Alam ko 'yung feeling n'ya na kapag nagkamali sa gitna, paano ka magre-recover. Naka-recover s'ya. Well in the end, nag-advice kami lahat na don't do that anymore. Pero alam nila, alam namin ang capacity ni Jeniffer so ingat ['yung Clashers.]

Jeniffer Maravilla: "Humihinga pa tayo"

The Clash 2019: Jeniffer Maravilla, ipinaliwanag ang kontrobersyal na 'WHISTLE' niya sa 'The Clash!'