TV

Jeremiah Tiangco, tiwalang masusungkit ang 'The Clash' grand champion title

By Jansen Ramos

Biggest threat kung ituring ng kanyang kapwa Clashers ang binansagang Pop Heartthrob ng Imus na si Jeremiah Tiangco.

Noong una pa lang, bumilib na ang The Clash panel sa unique vocal range ni Jeremiah kaya tiwala siyang masusungkit niya ang titulong The Clash grand champion.

"Pumunta po ako dito sa The Clash, unang-una sa lahat, dala ko 'yung pangrap ko. And since po, of all the Clashers and auditionees, kami po 'yung best of the best na pinili.

"Sobrang fortunate ko po and hindi ko po papalagpasing mawala po 'tong pangraap na 'to.

"Siguro deserve ko po na manalo sa finals," sambit ni Jeremiah sa isang panayam kamakailan.

Aminado si Jeremiah na kinakabahan siya sa kanyang huling laban sa The Clash.

Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang kanyang fighting spirit.

Bahagi niya, "Kinakabahan ako kasi mamaya na 'yung salang namin.

"Pero 'yung preparations naman na ginawa namin is alam ko namang reding-ready na kami.

"Kasi, rehearsals pa lang, nakita ko na on fire lahat. So ako, personally, 'yung ginawa kong preparation is natulog ako nang maaga, nagbawi ako ng tulog, tapos more water.

"'Tapos 'yung voice ko, dapat kapag nagsasalita low tone lang kasi minsan sumisigaw na ko, e.

"So ngayon, nagbago ako ng lifestyle."

Matira ang Matibay: The Top 6 of GMA Network's 'The Clash' revealed