TV

Director Louie Ignacio gives sneak peek of 'The Clash's' new season

By Jansen Ramos

Ipinasilip ng The Clash director na si Louie Ignacio ang kanilang taping para sa new season ng all-original Filipino singing competition.

Sa kanyang Instagram post kahapon, September 16, ipinakita niya ang setup ng The Clash ngayong new normal.

Makikita sa parteng ibaba ng collage na nakasuot ng face mask si Direk Louie at maging ang kanyang cameraman.

Ibinahagi naman ng isa sa mga segment producer ng programa na si Lee Gasid ang ilang larawang kuha mula sa final call back screening ng The Clash.

Makikita rito na isa-isang ininterbyu ang mga kalahok habang naka-face mask at face shield na direktibo ng Department of Labor and Employment.

Bukod sa pagsusuot ng face coverings, kinailangang sumailalim ng lahat ng staff ng Kapuso singing competition sa COVID-19 swab testing para masigurado ang kanilang kalusugan.

Abangan ang pagbabalik ng The Clash soon on GMA.