TV

Top 30 ng 'The Clash' Season 3, inilabas na

By Jansen Ramos

Mula sa daan-daang nag-audition online nationwide at maging sa ibang bansa, inanunsyo na ngayong araw, September 24, ang top Clashers na sasailalim sa matinding bakbakan sa new season ng The Clash.

Mula sa nakagawiang top 64, magsisimula ang laban sa 30 kalahok kung saan makakaharap nila ang mas makilatis at mas masuring The Clash panel na binubuo nina Comedy Queen Aiai Delas Alas, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, at Asia's Nightingale Lani Misalucha.

Base sa opisyal na listahan na inilabas ng The Clash, 13 lalaki at 17 babae ang tutungtong sa next round ng all-original Filipino singing competition.

Sino kaya sa kanila ang susunod sa yapak nina Golden Cañedo at Jeremiah Tiangco, at tatanghaling The Clash grand champion?

Abangan 'yan ngayong Oktubre sa GMA-7!