What's on TV

Gaming video creator, susubukan ang kapalaran sa 'The Clash' Season 3

By Jansen Ramos
Published September 29, 2020 3:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 1K inmates released from November to December 2025 — BuCor
Parol made of dried fish spurs the 'wows' in Estancia, Iloilo
Heart Evangelista and Kasuso Foundation team up in breast cancer awareness event

Article Inside Page


Showbiz News

Teng Meister in The Clash


Hindi raw nag-a-assume ang 31-year-old Laguna singer na si Teng Meister na mananalo siya sa 'The Clash' Season 3. Pero hirit niya, gagawin daw niya ang kanyang best sa kompetisyon.

Susubukan ng 31-year-old gaming video creator na si John Philip Nabong, na may screen name na Teng Meister, ang kanyang kapalaran sa The Clash season three.

Ayon sa kanyang vlog para sa The Clash Cam, hindi raw biro ang kanyang mga pinagdaanan, lalo na ngayong panahon ng pandemya, makasali lang sa GMA singing competition.

"Ang hirap kahit sa biyahe from Laguna, I need to travel here sa GMA, sa swab test. Grabe 'yung back and forth. But I'm thankful dahil sinusuportahan ako ng mga kaibigan ko, family ko, wife ko, 'yung anak ko, and'yan sila lagi at saka 'yung mga nakakaagapay ko," ani Teng.

Sabi pa ng Laguna native, hindi siya nag-e-expect ng kahit ano. Basta alam niya sa kanyang sarili na ibibigay niya ang kanyang best para sa The Clash.

"I'm not expecting anything, 'di rin ako nag-a-assume but I'll make sure I'll do my best," pahayag niya.

"Alam kong maraming magaling, marami kaming contestant dito na above do'n sa standard pero I'll just do my best," paliwanag pa niya.

Sa kanyang Facebook page, nagpatikim si Teng ng kanyang malamig na boses kung saan inawit niya ang "Chichi Wo Motomete," isa sa mga theme song ng classic Japanese anime na Voltes V.

Simula pa lang 'yan ng The Clash journey ni Teng kaya patuloy itong subaybayan sa all-original Filipino singing competition simula October 3 na sa GMA-7.