GMA Logo the clash jennie gabriel eliminated
What's on TV

Jennie Gabriel, unang na-eliminate sa 'The Clash' Season 3

By Jansen Ramos
Published October 4, 2020 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Motorcycle taxi rider na may pasahero, pinagtulungang gulpihin ng 2 lalaki sa kalsada sa Marikina
Truck falls into river after bridge in Zamboanga Sibugay collapses
New Era of Romance: why the Philippines is evolving into a world-class wedding destination

Article Inside Page


Showbiz News

the clash jennie gabriel eliminated


Natapos na ang 'The Clash' journey ng impersonator na si Jennie Gabriel nang matalo siya ni Larnie Cayabyab sa 'Laban Kung Laban' round.

Maagang natapos ang The Clash journey ni Jennie Gabriel nang ma-eliminate siiya sa GMA singing competition kagabi, October 3.

Sila ni Larnie Cayabyab ang naglaban para sa unang round na "Laban Kung Laban," kung saan inawit ng impersonator ang "Alone" ng American band na Heart.

Para makapasok sa susunod na round, kailangang dalawang boto ang makuha ni Jennie mula sa The Clash panel.

Si Christian ang unang bumoto kung saan pinaboran niya si Jennie.

Sa mga sumunod na vote naman, pinili nina Lani Misalucha at Aiai Delas Alas si Larnie.

Hindi tuloy maiwasan ng Comedy Queen na magbiro tungkol sa kanyang bashers, "Nako, ito na naman. Sigurado, magdadatingan na naman sila."

Panoorin ang buong performance ni Jennie dito:

Patuloy na subaybayan ang The Clash Season 3 tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:45 p.m. sa GMA-7.

Kung hindi n'yo man ito mapanood sa telebisyon, may livestreaming ang lahat ng episode sa Facebook page at YouTube channel ng programa.