TV

'The Clash' Season 3 contestant na si Princess Vire, may pasabog na pagbabalik

By Jansen Ramos

Hindi binigo ng The Clash Season 2 contestant na si Princess Vire ang mga hurado nang magbalik siya sa kompetisyon.

Impressed na impressed ang The Clash panel na binubuo nina Aiai Delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha sa performance ni Princess. Kinanta nito ang "Something's Got a Hold on Me" ng American singer na si Etta James sa 'Laban Kung Laban' round, kung saan nakalaban niya ang 31-year-old Laguna singer na si Kelly Garcia.

Walang nasabing negatibo ang judges kung 'di papuri.

Komento ni Christian, "I think there's nothing wrong in your performance. You did very well."

Tila pinakaba naman ni Aiai ang retuning Clasher nang sabihing, "Akala ko magaling kang kumanta, 'yun pala mali ako ng akala kasi magaling na magaling na magaling na magaling ka."

Sabi ng Comedy Queen kay Princess na may suot na silver jumpsuit, "Vire, vire shining ka talaga literally and figuratively."

Naniniwala naman si Lani na mayroon pang ibubuga si Princess kahit na alam nilang mga hurado na perfect na ang pagkanta ng ng 23 years old.

Ani ng Asia's Nightingale, "I know meron ka pang pwedeng ibigay at pwede pang magkaroon ng improvement ang iyong pagkanta.

"Hindi ko lang ma-pinpoint kung saan do'n pero but I'm pretty sure na mas ma-i-impress mo pa kami."

Sa huli, itinanghal na panalo si Princess sa naturang round.

Panoorin ang kanyang buong performance dito: