GMA Logo Comeback The Clash contestant
What's on TV

Jennie Gabriel, Cholo Bismonte, at tatlo pang eliminated 'The Clash' contestants, nagbigyan ng second chance

By Jansen Ramos
Published October 19, 2020 10:31 AM PHT
Updated October 20, 2020 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Heat's Terry Rozier seeks to have government charges dismissed
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Comeback The Clash contestant


Matapos magwagi sa Wildcard round, pasok na sa 'The Clash' top 20 sina Jennie Gabriel, Cholo Bismonte, Rose Velasquez, Rash Almasan, at Kyle Pasajol.

Labinlimang eliminated The Clash contestants ang nagbalik para sa big surprise twist ng GMA singing competition.

Ito ang wildcard round kung saan pinaghati-hati sila sa lima para maglaban-laban.

Matapos ang kanilang performances, pumili ng lima ang mga hurado na sina Aiai Delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha na makakabalik sa kompetisyon para ipagpatuloy ang kanilang The Clash journey at magiging parte ng top 20 o 'Top of the Clash.'

Ito ay sina Jennie Gabriel, Cholo Bismonte, Rose Velasquez, Rash Almasan, at Kyle Pasajol.

"Lahat kayo mas magaling agad kesa do'n sa first. So ngayon mas na-feel ko kayong tatlo ay lumalaban 'cause you want to be here," komento ni Christan sa sa isang grupo matapos mag-perform.

Panoorin ang kanilang comeback performances dito:

Patuloy na subaybayan ang The Clash Season 3 tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:45 p.m. sa GMA-7.

Sa mga hindi makakanood ng episode sa telebisyon, mayroong livestreaming ang programa sa Facebook page at YouTube channel nito.