TV

Kilalanin ang mga unang nakapasok sa round 3 ng 'The Clash'

By Jansen Ramos

Last weekend, nagsimula na ang ikalawang round ng The Clash na pinamagatang 'Kakulay-Kalaban.'

Sa nasabing round, hinati ang 20 Clashers sa apat na kulay na white, red, black at blue, kung saan sila ang magkakalaban sa grupo.

Ang white group at black group ang naunang nagpakitang gilas sa Round 2 na ipinalabas noong Sabado, October 24, at Linggo, October 25.

Sa white group, ang magkakalaban ay sina Yuri Javier, Audrey Mortilla, Frtizie Magpoc, Jennie Gabriel, at Judah Vibar.

Samantalalang sa black group, ang magkakabalan ay sina Jessica Villarubin, Aerone Mendoza, Rash Almasan, Kyle Pasajol, at Shannen Montero.

Sinuri ng judges na sina Aiai Delas Alas at Chrisitian Bautista, at guest judge na si Pops Fernandez ang performances ng bawat isang Clasher.

Base sa mechanics ng kompetisyon, kinailangan nilang magdesisyon kung sinu-sino ang tutungtong sa next round at kung sinu-sino ang matatanggal.

Sa huli, walo ang siguradong pasok sa Round 3 at dalawa naman ang bigong magpatuloy sa kompetisyon at iyan ay sina Judah Vibar at Rash Almasan.

Patuloy na subaybayan ang The Clash tuwing Sabado, 7: 15 p.m., at Linggo, 7:45 p.m. sa GMA-7.

Mayroon ding lvestreaming ang bawat episode nito sa Facebook page at YouTube channel ng programa.