TV

WATCH: Emosyonal ang tanggalan sa 'The Clash' ngayong gabi!

By Jansen Ramos

Punung-puno ng tensyon at emosyon ang episode ng The Clash this Saturday, Sabado, December 5, dahil pahigpit nang pahigpit ang bakbakan sa kantahan.

Ngayong gabi, gagawa ng isang mahalagang desisyon si Larnie Cayabyab sa round five ng kompetisyon na pinamagatang 'Isa Laban Sa Lahat' kaya naman magiging emosyonal ang tanggalang magaganap.

Mula walo, pito na lamang ang matitirang Clashers na magpapatuloy sa kanilang The Clash journey.

Sino kaya kina Larnie Cayabyab, Jennie Gabriel, Renz Robosa, Sheeemee Buenaobra, Yuri Javier, Jessica Villarubin, Fritzie Magpoc, at Audrey Mortilla ang matitirang matibay?

Abangan 'yan sa tumitinding The Clash tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:45 p.m, sa GMA-7.

Kung hindi n'yo man ito mapanood sa telebisyon, may livestreaming ang The Clash sa Facebook page at YouTube channel ng programa.