TV

Lanao Del Norte native, nabigyan ng second chance na makasali sa 'The Clash'

Nabigyan ng ikalawang pagkakataon ang 23-year-old Lanao Del Norte native na si Mariane Osabel na makasali sa GMA reality singing show na The Clash.

Para kay Mariane, naniniwala siyang hindi pa huli ang lahat para sa tulad niyang nangangarap.

"Kaya po ako sumali sa The Clash is because, unang-una, gusto ko pong ma-experience 'yung journey dito sa The Clash. I'm looking forward sa mga ma-e-experience ko po dito dahil dream ko po and passion ko po maging singer."

Ayon kay Mariane, ang kanyang supporters ang nag-motivate sa kanya na subukan ulit mag-audition sa The Clash at hindi naman siya nabigo dahil ngayon ay isa na siya sa top 30 contestants ng singing competition.

"Galing pa po ako ng Iligan City, nag-audition po ako through online. 'Yung first ko pong audition is hindi po ako natanggap, that was season three so nag-try po ako this season. One of my goals this year is makapunta sa The Clash.

"Marami po akong supporters, it was like God's blessing. Talagang willing sila mag-support sa akin, tinulungan po nila ako para mapaganda 'yung audition ko so here I am now."

Samantala, narito ang kumpletong listahan ng top 30 contestants ng The Clash 2021:

Babalik bilang Clash Masters sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa The Clash2021, gayundin sina Ken Chan at Rita Daniela bilang Journey Hosts.

Asahan din ang pagbabalik ng mas makilatis at mapanuring The Clash panel na binubuo nina Asia's Nightingale Lani Misalucha, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, at Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas sa bagong season ng Kapuso singing competition.

Sino kaya ang susunod sa yapak nina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, at Jessica Villarubin? Abangan sa The Clash 2021 malapit na sa GMA.