TV

Lani Misalucha, nag-react sa viral 'Jingle Bells' number niya sa 'The Clash 2021'

Viral ngayon ang production number ng Asia's Nightingale na si Lani Misalucha sa The Clash 2021 noong Sabado, November 27.

Dito ay pinerform niya ang kanyang fast-paced rendition ng classic Christmas song na "Jingle Bells." Ang bersyon ni Lani ay hango sa 1967 Christmas album ng American singer na si Barbra Streisand na A Christmas Album.

Dahil sa mabilis na beat, marami ang nakapansin na tila nagmamadali si Lani sa pagkanta kaya naman naging tampulan ito ng meme online. Marami ang nag-repost, nag-share, at gumawa ng kanilang sariling version ng "Jingle Bells" gamit ang boses ni Lani sa trendy app na TikTok.

Kabilang diyan ang aktres at dating SexBomb dancer na si Rochelle Pangilinan na ginawan pa ito ng dance cover.

Ikinatuwa naman ng Asia's Nightingale ang pagiging viral ng kanyang The Clash prod at nakisali pa sa hype.

Biro ni Lani sa Instagram post niya ngayong December 3, "Yung mag de-December na at kailangan mo ng extrang pera. Kaya tinanggap mo ang tatlong raket sa isang araw kaso pare-parehong alas otso ng gabi ang performance (isa sa PICC, isa sa Makati, isa sa Pampanga)."

Hirit pa ni Lani, pwedeng-pwede raw kantahin ang mabilis na version ng "Jingle Bells" kapag may curfew ka tuwing nangangaroling, ayon sa komento niya sa reposted video ng kanyang TV prod.

@lanimisaluchaofclfanpage Reply to @akihiro_05 kaya po nagmamadali si Ms Lani @thenightingale03 ayan napo #lanimisalucha #jinglebells #theclash #barbrastreisand #christmascarol #christmas ♬ original sound - Lani Misalucha OfficialFanpage

Si Lani ay isa sa mga hurado ng The Clash 2021. Kasama niya sa panel ang Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas at Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista.

Bukod sa kanyang production numbers sa TV, pinag-uusapan din ang magagarang gown ng magaling ng mang-aawit.

Narito ang ilan sa fashionable OOTDs ni Lani: