TV

Jaclyn Jose, na-challenge bilang doctor-inventor sa 'The Cure'

By Bianca Geli

 

 

Pagiging isang doktora naman ngayon ang magiging karakter ng veteran actress na si Jaclyn Jose sa upcoming GMA primetime show na The Cure.

Aniya, “My character here sa The Cure ay isang doktora, siya si Dra. Evangeline Lazaro, siya ang naka-invent ng cure for cancer but unfortunately it failed after two weeks. Ang side-effects, nagiging mas malala pa dun sa sakit ng tao. Nagkakaroon siya ng parang effect ng rabies, ‘yung virus kumakalat ng grabe. So ang tendency nakakakagat sila ng ibang tao hanggang sa dumami nang dumami ang infected.”

Kahit na marami nang nagampanang role ang award-winning actress, panibagong challenge din daw para sa kaniya ang role bilang doctor.

“It’s so much struggle, kasi doktora siya at 'tsaka inventor siya ng cancer medicine. Ang mga lines, may medical terms, you need to memorize. Yun ‘yung challenge sa akin. Kaya para sa akin, I want to work on this para iba naman.”

Ibinahagi rin ni Jaclyn ang mga dapat abangan sa The Cure.

"It’s very much about the present, ‘yung topic. Imbis na cure ‘yung ma-invent, nakasama pa, nakapatay," aniya.

Abangan ang The Cure, malapit na sa GMA.