TV

READ: Ano'ng sinabi ni Dennis Trillo tungkol sa love team nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez sa 'The Cure?'

By Gia Allana Soriano

Magkakasama sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez sa The Cure. Si Tom din ay ang dating ka-love team ni Dennis Trillo sa My Husband's Lover back in 2013. Ani Jen, natutuwa si Dennis na si Tom ang magiging kapareha niya. Kuwento ng aktres, "Oo naman [happy naman si Dennis] kasi kaibigan niya si Tom."


Marami nga rin daw similar interests sina Jen at Tom, at napag-uusapan nila ito habang nasa set. Aniya, "Masaya [siya katrabaho], very energetic. Ang dami kong natututunan sa kanya, kasi ang dami rin niyang mga tanong na tanong ko rin. Like mga personal questions tungkol sa science, mga ganun. [Napag-uusapan namin mga] personal na gusto namin, mga hilig namin."

Dagdag pa niya, "Kung kilala n'yo si Tom, ganyan siya [hilig niya mag-discuss tungkol sa mga interests niya]. Mahilig [din] siya sa music, sa science, sa computers. Nagkakasundo kami. 'Pag may mga tanong ako na hindi masagot ng ibang tao, siya 'yung nakakasagot."

Gaganap si Tom Rodriguez at Jennylyn Mercado bilang ang mag-asawang sina Greg at Cha Salvador sa The Cure, showing na ngayong April 30!