TV

LJ Reyes, nagkuwento tungkol sa dapat abangan sa 'The Cure'

By Bianca Geli

 

 

Naikuwento ni LJ Reyes ang mga kapanapanabik na eksenang dapat abangan sa upcoming GMA Primetime series na The Cure.

Sa media conference ng The Cure, ipinakilala ni LJ ang role niya bilang Katrina. “Isa siyang virologist, like Tom, college friends sila.”

Dagdag ni LJ, marami raw habulan na magaganap laban sa mga “infected” o mga na-infect ng epidemya sa The Cure.

Aniya, “Well, I think lahat kami kailangan physically fit kasi ang dami naming takbuhan. Ako, naka-ilang beses na talaga akong muntik na ako [makagat]…yun talaga ‘yung sobrang aabangan nila. Nakaka-tense talaga ‘yung mga eksena namin, kapag habulan na talaga ng mga infected.

Masaya rin daw si LJ na makasama ang cast ng The Cure, na kinabibilangan ng StarStruck alumni na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras. “Enjoy talaga kasi we have a wonderful cast, ‘yung team namin parang nag-jive kami easily so walang mabigat sa set. It’s very easy to work with these people."

LOOK: Meet the cast of 'The Cure'