TV

WATCH: Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez, bibida sa 'The Cure'

By Gia Allana Soriano

First time sa Philippine TV ang drama-thriller series na The Cure. Pagbibidahan ito ng mga talented at batikang Kapuso actors and actresses tulad nina Tom Rodriguez, Jennylyn Mercado, Jaclyn Jose, LJ Reyes, Mark Herras, Jay Manalo, Diva Montelaba, special participation ni Ken Chan at marami pang iba.

 

 

Ani Jen, "Masarap 'yung feeling na kami 'yung unang makakagawa nito sa soap, so proud kaming lahat and excited."

Ikinuwento naman ni Tom ang trabaho ng kanyang karakter na si Greg. Ika niya, "Virologist siya na nagtatrabaho sa isang breakthrough pharmaceuticals. May dini-develop siya na sana cancer drug, cancer vaccine, kaso meron siyang mga side effects."

Ipapalabas na ang The Cure ngayong April 30 sa GMA Telebabad!

Panoorin ang buong report sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News