TV

Kissing scene nina Will Ashley at Shanelle Agustin sa 'The Fake Life,' kinakiligan ng mga manonood

By Aaron Brennt Eusebio

Kilig na kilig ang mga manonood ng GMA Afternoon Prime series na The Fake Life sa July 21 episode nito dahil sa kissing scene nina Will Ashley at Shanelle Agustin.

Umamin na kasi ang karakter ni Will na si Peter kay Jaycie, ang karakter ni Shanelle, na may gusto ito sa kanya.

Marami tuloy ang kinilig sa dalawa ngunit may babala din silang ibinigay kay Jaycie. Hindi kasi alam ni Jaycie na ginagamit lang siya ni Peter upang makapaghiganti sa pamilya niya.

Ano kaya ang mangyayari sa relasyon nina Peter at Jaycie? Ipagpapatuloy pa kaya ni Peter ang kanyang paghihiganti sa pamilya ni Jaycie o tuluyan nang mahuhulog ang kanyang loob sa dalaga?

Patuloy na panoorin ang The Fake Life, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Telebabad pagkatapos ng Raising Mamay.

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI SHANELLE SA GALLERY NA ITO: