Narito ang unang pasilip para sa mga karakter ng upcoming GMA Telebabad series na 'The Gift.'
"Ruggedly handsome" ang look ni Alden Richards para sa karakter niyang si Joseph o Sep.
Blessing daw para kay Jo Berry na gumanap bilang Strawberry, isang tindera ng prutas sa Divisoria.
Tubong Sampaloc, Manila si Mikee Quintos at masayang gaganap bilang Divisoria girl na si Amor.
Reunion project nina Alden at Jean Garcia ang 'The Gift.' Una silang nagsama sa 'Alakdana' na unang teleserye ni Alden.
Ang 'The Gift' ang first ever teleserye ni Thia Thomalla na isang beauty queen at nakoronahang Miss Eco International 2018.
Teleserye comeback naman ni Rochelle Pangilinan ang 'The Gift,' na una niyang regular project matapos ipanganak ang kanyang panganay na si Shiloh Jayne.
Parehong fun and dramatic ang role ni Elizabeth Oropesa bilang manghuhula sa Divisoria na si Madame Char.
Balik-Kapuso naman si Christian Vasquez sa 'The Gift,' ang una niyang teleserye sa GMA matapos ang halos sampung taon.