TV

Alden Richards, masayang makatrabaho muli si Jean Garcia sa 'The Gift'

By Marah Ruiz

Masaya si Kapuso actor at Asia's Multimedia Star Alden Richards sa kanyang nalalapit na pagbabalik sa primetime.

Alden Richards


Sa September 16 na kasi ang world premiere ng kanyang upcoming GMA Telebabad series na The Gift.

Nagustuhan daw niya kaagad ang kwento nito noong una pa lang itong iprinisenta sa kanya.

Alden Richards sparks hope and finds his true purpose in GMA's 'The Gift'

"Sobra po akong na-excite na bumalik sa paggawa ng teleserye upon the presentation po nitong project na 'to. Noong prinesent po siya sa akin, tinaggap ko po siya agad with the hopes na magiging maganda 'yung pagkakagawa nito with the help of the creatives and the director and of course my co-actors in the teleserye," pahayag ni Alden.

"'Yung istoryang 'to, malapit sa puso naming lahat and of course malapit po sa puso ng mga Pilipino," dagdag pa niya.

Bukod dito, sabik na rin siyang makatrabaho muli ang beteranang aktres na si Jean Garcia. Unang nagkatrabaho ang dalawa sa Alakdana noong 2011 at gumanap na mag-ina sa One True Love noong 2012.

Jean Garcia on Alden Richards: "Mas mabait pa lalo"

"Noong nagka-eksena po kaming dalawa, ang daming pong nag-flashback sa akin na mga eksenang nagawa ko dati.

"Parang wow, may nahuhugot si Ms. Jean sa akin. Parang hindi ko mapigilan. Merong overflowing emotions. Siguro dahil magkakilala na po kami nang matagal and at the same time na-miss po naming magkatrabaho," kuwento ng aktor.

Sa The Gift, mawawalay ang karakter ni Alden na si Sep mula sa ina nitong si Nadia, na gagampanan naman ni Jean.

Abangan ang kanilang reunion project sa world premiere ng The Gift, September 16 na sa GMA Telebabad.