TV

Mikee Quintos, enjoy ka-eksena si Alden Richards sa 'The Gift'

By Marah Ruiz

Unang beses makakatrabaho ni Kapuso actress Mikee Quintos si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa upcoming GMA Telebabad series na The Gift.

Gaganap dito si Mikee bilang Amor, isang Divisoria vendor na may lihim na pagtingin sa kanyang kababatang si Sep na karakter naman ni Alden.

The Gift | Official trailer

"First time ko pong makakatrabaho si Alden pero before this naman po magkaibigan na kami dahil nag-workshop na kami together.

"I'm really excited kasi isa si Alden talaga sa mga nirerespeto kong artista na mahal talaga 'yung craft niya," ani Mikee tungkol sa kanyang co-star.

Itinuturing daw niyang isang inspirasyon si Alden.

"Nakita ko 'yung work ethic niya. Nakita ko kung paano siya [as a person]. 'Yun nga hindi siya nagbabago.

"I told him this na kahit saming kapwa artista, he serves as an inspiration kasi lahat ng naging success na naabot na niya ngayon, nagawa niya nang hindi siya nagbabago. Grounded pa rin siya," kwento niya.

Hanga din siya sa values na pinanghahawakan ng aktor.

"Inspiration 'yun for us na hindi mo kailangan magbago, hindi kailangan ma-comporomise 'yung values mo para lang maging successful na ganyan.

"I'm really excited na maka-eksena siya ang maka-create ng mga eksena or makapag-tape together with direk LA [Madridejos]," bahagi ni Mikee.

Alden Richards, tanggap ang 'beautiful pressure' ng 'The Gift'

Nag-e-enjoy siya na ka-eksena si Alden dahil kumportable siya dito.

"'Yung mismo ako, magugulat din sa sarili namin na 'yun ang mafi-feel namin sa bawat eksena. Game akong tumalon sa emosyon 'pag si Alden 'yung ka-eksena ko.

"We're very comfortable na. Sana ma-follow through 'yun and makita niyo 'yun sa mga gagawin na eksena dito sa The Gift," paliwanag niya.

Abangan ang world premiere ng The Gift, September 16, pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.