TV

World premiere ng 'The Gift,' mainit na tinanggap ng netizens

By Marah Ruiz

Hindi pa man nagsisimula ang show, trending na kaagad ang official hashtag ng pinakabagong GMA Telebabad series na The Gift.

Alden Richards

Umaga pa lang, umabot na sa third spot ng Twitter Philippines ang official hashtag nitong #TheGiftWORLDPremiere. Umakyat naman ito sa top spot nationwide habang umeere ang pilot episode.


Bukod dito, umabot din ito sa 6th spot sa worldwide trending topics ng Twitter.


Tampok sa episode ang kabataan ni Sep, ang karakter ng bidang si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

May special participation sa serye ang aktor na si TJ Trinidad bilang Gener, ang ama ni Sep. Marami ang naantig sa kanyang naging pagganap bilang ang amang gipit na gipit kaya nagawang kumapit sa patalim.

Trending ang "TJ Trinidad" sa 6th spot nationwide, habang nasa 12th spot nationwide naman ang "Tatay Gener."


Tampok din sa episode si Jean Garcia na gumanap bilang biological mother ni Sep na si Nadia. Damang-dama ang kanyang hinagpis bilang ng isang ina at asawa na humaharap sa isang trahedya.

Trending ang "Jean Garcia" sa 8th spot nationwide.


Patuloy na subaybayan ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.


'The Gift' ni Alden Richards, trending ilang oras bago ang world premiere