TJ Trinindad, inulan ng papuri sa kanyang pagganap sa 'The Gift'
Trending ang aktor na si TJ Trinidad dahil sa kanyang special participation sa pinakabagong GMA Telebabad series na The Gift.
Gumanap kasi siya dito bilang Gener, ang ama ni Sep (Alden Richards) na kakapit sa patalim para may ipangtustos sa anak na nasa ospital.
Umabot sa 6th spot sa trending topics ng Twitter Philippines ang "TJ Trinidad."
Maging ang kanyang karakter na si "Tatay Gener" ay pasok sa 12th spot naman ang trending topics sa microblogging site.
Bumuhos ang papuri sa kanyang husay sa pag-arte.
Nagpasalamat naman si TJ sa mga papuring natanggap niya.
Patuloy na subaybayan ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.
EXCLUSIVE: Ruru Madrid takes on a challenging cameo role in 'The Gift'
WATCH: Eksenang may kurot sa puso, asahan sa 'The Gift'