TV

Netizens, naantig sa ganda ni Thia Thomalla sa 'The Gift'

By Cara Emmeline Garcia

Nabihag ang mga puso ng fans ng The Gift hindi lang kay Asia's Multimedia Star Alden Richards kundi pati na rin sa isa sa leading ladies nito na si Thia Thomalla.

Inabangan ng mga manonood ang Miss Eco International 2017 na gumaganap bilang si Faith sa kani-kanyang telebisyon.

Anila, ibang level ang ganda ni Thia para sa Divisoria at tulad ni Sep ay mai-in love rin sila kung makita ang aktres sa personal.

Sep, tinamaan kay Faith | Ep. 5

Gumaganap si Thia bilang ang Prinsesa ng Divisoria dahil sa kanyang angking ganda at sa pagiging anak ng isang mayamang fabric store owner.

Patuloy na panoorin ang The Gift, mula Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad!

Thia Thomalla, alay sa yumaong kapatid ang 'The Gift'

Meet the new Kapuso beauty queen, Thia Thomalla